May short pero napaka-sweet na mensahe si Bea Alonzo kay Dominic Roque para sa kanilang anibersaryo.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Bea ng larawan nila ni Dominic habang magkayakap.

"It took so much patience from you, but here we are," caption ni Bea.

"And I have to say, and it’s one of the best decisions I’ve ever made[heart] Happy anniversary, hun [heart]" pagpapatuloy ng Kapuso actress.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

 

Matatandaan na kinumpirma ni Bea ang relasyon nila ni Dominic noong Agosto ng nakaraang taon.

Kuwento ni Bea, matagal na silang magkaibigan ni Dominic, at hindi naging pilit ang pagkahulog ng loob nila sa isa't isa.

Inilarawan ni aktres na husband-material para sa kaniya si Dominic.-- FRJ, GMA News