Kumasa ang Teletubbies sa "Super Tuna" dance challenge ni Jin ng K-pop sensation na BTS.

Sa Tiktok ng Teletubbies, na mapapanood din sa GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, makikita ang paghataw nina Tinky Winky, Dipsy, Laa-Laa, at Po sa naturang challenge sa isang 13-second clip.

 

@teletubbies Of course the Teletubbies first ever TikTok dance was the #supertunachallenge - how do you think they did? ?????????????? #bts ? Super tuna - La_lim??????

 

Agad itong pinusuan ng fans, na hindi nakatiis sa pagiging adorable ng Teletubbies.

Umabot na ang clip ng Teletubbies ng 5.2 milyong views at 1.3 milyong likes.

Disyembre noong nakaraang taon nang ilabas ni Jin ang choreography ng Super Tuna matapos ang kaniyang kaarawan.

Kinagiliwan ito ng ARMY at nag-viral agad.--Jamil Santos/FRJ, GMA News