Lalaki uli ang inaasahang baby number 4 nina Iya Villania at Drew Arellano.
Ito ang inanunsyo ni Iya sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, kasama ang panganay na anak na si Primo.
Tinanong ni Vicky Morales si Iya kung maaari nang ianunsyo ang gender ng kaniyang paparating na baby.
"It's a boy!" sabi ni Primo habang pumuporma ng number one sa kaniyang mga daliri.
"It's another boy!" dugtong ni Iya.
Ayon kay Iya, nakakain na niya ang halos lahat ng pagkain sa kaniyang paglilihi.
"Meron akong mga food aversions, ang dami kong mga hindi type na kainin. Ngayon bumalik na siya ulit. So lahat nakakain ko na ulit," anang Chika Minute anchor.
Sa episode ng "Mars Pa More" nitong Lunes at sa Instagram, binati ni Kuya Kim Atienza sina Iya at Drew sa paparating na baby no. 4 ng mag-asawa.
Taong 2014 nang magpakasal sina Drew at Iya, at mayroon na silang tatlong anak na sina Primo, Leon, at Alana.
—FRJ, GMA News