Inilahad ni Julie Anne San Jose na kumportable siyang katrabaho si Rayver Cruz para sa ikalawang bahagi ng kaniyang musical trilogy na "Limitless."
"First of all ang gaan kasi talagang katrabaho ni Rayver and I never really had a hard time working with him. And aside from that, we've been close talaga ever since, kumbaga I also got to know him more noong Siquijor trip din namin," sabi ni Julie sa Kapuso Showbiz News.
"We had fun and amazing experience rin. It was just so, so nice to catch up with someone like Rayver. And siyempre isama rin natin si Jessica (Villarubin)."
Sa kanilang collaboration, makikita sa trailer ang sabay na pagsasayaw nila ni Rayver, habang ipinakikita rin nina Julie Ann at Jessica ang kanilang talento sa pagbirit.
"Ang comfortable lang talaga siguro... comfortable lang talaga ako personally with Rayver and magaan 'yung pakiramdam. And ganoon naman talaga kapag nagta-travel ka, mas masaya kapag ini-enjoy mo 'yung buong experience kapag may kasama kang friend," sabi ni Julie Anne.
Ang “Limitless, A Musical Trilogy Part 2: Heal” ay mapapanood sa Nobyembre 20.
Available ang mga ticket na nagkakahalaga mula P599 hanggang P2,799, sa Synergy website. --FRJ, GMA News