Naging mainit ang pagtanggap ng "Mars Pa More" hosts na sina Camille Prats at Iya Villania, sa bago nilang kasama na si Kuya Kim Atienza. Sa init ng pagtanggap, napasayaw pa ang Kapuso trivia master.
Sa kaniyang unang araw bilang host ng programa, nagkaroon ng "unboxing" para kay Kuya Kim bilang "pars" na babalanse sa mga "mars."
Nagkaroon ng video greetings kay Kuya Kim mula sa mga Kapuso star at maging sa miyembro ng kaniyang pamilya.
Sabi ni Kuya Kim, bihirang magpa-interview ang kaniyang mga anak kaya alam daw niya ang hirap ng staff para mahingan ng mensahe ang mga ito.
Pero hindi kinaya ni Kuya Kim at naging emosyonal siya sa mensahe sa kaniya ng kaniyang asawa. Panoorin.
--FRJ, GMA News