Mula sa "Legal Wives," sunod na mapapanood si Alice Dixson upcoming GMA show "First Lady," na sequel hit series na "First Yaya," na pinagbidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Sa Instagram, nag-post ng larawan si Alice suot ang floral dress.

"I am also pleased to announce my participation in the upcoming GMA Teleserye #FirstLady which starts principal photography next week," saad ni Alice.

Nagpaabot din ng mensahe ang aktres sa kaniyang ongoing GMA-7 show na "Legal Wives."

"Stay safe to my new cast mates and to my Legal Wives family, I’m so proud of our show and how we sustained our top ratings. To our dear fans, please keep us there til the end!" mensahe ni Alice.

 

 


Nitong nakaraang buwan, nag-post si Sanya ng larawan na teaser sa upcoming show na "First Lady." 

Sa ipinakita rito ang dalawang larawan ni Sanya na isang naka-uniform ng yaya at isang nakasuot ng magandang puting kasuotan.

"Our first yaya is now our first lady!," saad sa larawan.

"Parang panaginip lang ang lahat ng 'to," ayon kay Sanya, na gumanap ng yaya at napangasawa ang presidente na karakter ni Gabby.— FRJ, GMA News