Naniniwala ang mga celebrity mommies na sina Mickey Ferriols at Manilyn Reynes na health is wealth.

Kaya naman sa programang "Pinoy MD," ibinahagi nila ang ilang tips upang mapanatiling maganda ang katawan at kalusugan, hindi lang para sa sarili, kung hindi pa rin sa kanilang mga mahal sa buhay.

Si Manilyn, sinabing inilalaan ang araw ng Linggo para sa pamilya upang makapag-bonding sila tulad ng sama-samang pag-e-exercise.

Samantala, kahit anong busy, sinabi naman ni Mickey na naglalaan siya ng "me time," upang kahit papaano ay matutukan at mapangalagaan ang sarili.

Aminado ang aktres na nalungkot siya noon nang lumobo ang kaniyang katawan matapos na manganak. Pero sa halip na malungkot, nagdesisyon siyang baguhin ang kaniyang lifestyle na may kasamang exercise, at sa loob lang ng dalawang buwan ay nakita na niya ang pagbabago.

Alamin ang mga ginagawang ehersisyo nina Mickey at Manilyn at ang payo nila sa mga mommies. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News