Mahigit isang buwan matapos ang hiwayan nila LJ Reyes at Paolo Contis, nagsisimula na ng bagong buhay ang aktres sa Amerika kasama ang kaniyang mga anak. Handa na kaya niyang patawarin ang aktor?
Sa panayam ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabi ni LJ na nagsimula nang maging normal ang buhay nilang mag-iina sa Amerika.
Pagbahagi ng aktres, nagsimula nang pumasok sa face to face classes si Aki.
Bukod din sa pag-aalaga kay Baby Summer, sinabi ni LJ naglalaan din siya ng oras para magsanay sa kanilang family restaurant sa Brooklyn, New York.
Wala pa raw siyang no long-term plan para sa kanila sa Amerika pero natutuwa siya na nakakapag-adjust ang mga bata sa kanilang buhay doon.
Nagpapasalamat siya sa kaniyang pamilya, pananampalataya at sa Filipino community doon na nagsisilbi niyang support system.
"Wala pang dumating dito na Pinoy na nagtanong sa 'kin or mentioned anything about my personal life," saad ng aktres. "Ang sinasabi nila, 'We're so happy na nakita ka namin. We want to let you know that we support you.'"
"I've always been vocal about it that if it weren't because of God, 'yung binibigay sa 'king strength ni God, it wouldn't have been possible. 'Di ko rin inakala na nandito na kami," dagdag pa ni LJ.
Pero pagdating sa tanong kung handa na kaya siyang magpatawad, tugon ni LJ; "Forgiveness is a work in progress. Hindi madaling ibigay ang forgiveness. I mean lahat naman tayo we get hurt, angry, but you work on it every day to forgive people, yourself, or whoever. You pray about it."
"Hindi kasi siya madaling bagay na ibigay so surrender lang talaga kay God and I'm working on it," patuloy pa ng aktres.
--FRJ, GMA News