Inihayag ng aktor at vlogger na si Benedict Cua na magpapahinga na muna siya sa work at social media para mapagtuunan ang sarili.
Inanunsyo ito ni Benedict sa kaniyang YouTube vlog na nilagyan niya ng titulong "Good bye, Philippines."
"I decided to stop working for a while," aniya. "I know it sounds so entitled but I feel like at this point in my life, existential crisis where suddenly, [everything's like] back to zero."
Inihayag din niya ang kaniyang saloobin tungkol sa kaniyang mga ginawa bilang vlogger.
"I always have that urge na parang kailangan kong i-please lahat ng mga tao, I always have to be my perfect self. A lot of times, parang wala na 'kong time maging vulnerable," saad niya.
"Natatakot ka, kinakabahan ka. [It's like] there's a huge weight on your shoulder, on your chest," patuloy niya.
Dahil sa ilang taon ng pagiging social media personality, sinabi ni Benedict na hindi na niya maihiwalay ang personal na buhay sa kaniyang trabaho.
"Parang 'yung buhay ko, naging vlog na, naging filming. This job is really not for everyone. At this point, I don't even think it's for me," pahayag niya.
"There's no vacation anymore like whenever you're outside, whenever you're hanging out with your family, you always feel obligated to film everything 'cause when you don't, you feel anxious," patuloy niya.
Napagtanto raw niya ito nang minsan umuwi siya sa kanilang tahanan sa Bulacan.
"I felt like there's no beauty in reality anymore and it scared me 'cause before, when I'm connecting with nature, I feel whole, I feel alive," ayon kay Benedict.
Kung dati ay ginawa niya ang lahat para sa iba, ngayon ay nais daw ni Benedict na bigyan ng prayoridad ang sarili.
"I'm scared to lose myself. I'm scared that this thing that I'm feeling now, [I'll feel it] my whole life and I don't wanna live a life like that," sabi ni Benedict .
"I just wanna be able to connect to the world again, in a way, find myself—what I really want in my life, if I’m really on the right path," dagdag niya.
Hindi raw niya alam kung kailan siya babalik o magpo-post ba muli siya sa social media. Pero ang sigurado: "I'm not gonna let myself be pressured."
Sa video, pinasalamatan ni Benedict ang kaniyang mga tagasuporta at pinayuhan sila na hindi masama na mag-let go "for a while if it's for yourself."--FRJ, GMA News