Sinagot ni Heart Evangelista ang mga komento ng netizens na humanga sa magandang hubog ng kaniyang katawan at kawalan ng anak.

Isang fan ni Heart ang nakiusap sa netizens na itigil ang hindi magagandang komento patungkol sa katawan ng aktres na masasayang lang daw kung hindi sila magkakaanak ni Chiz Escudero .

“Violent reminder that a woman’s body does not exist to create children NOR TO BE OWNED BY HER HUSBAND,” giit ng fan ng aktres.

“No woman is any less because she’s unable to bear a child… Violent kasi ulitin mo pa, mapapatay na talaga kita,” patuloy niya.

Nakita ni Heart ang naturang post ng fan sa Twitter.

 

Ayon sa aktres, "Stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me.”

“Nobody knows the real struggle,” paliwanag niya.

“Also may I add life is good, people I love are fine, and everything else in between is ok, so bonus na lang if I do conceive again, it’s my body,” dagdag niya.

Nilinaw din ni Heart na hindi siya galit pero hindi niya gusto ang pag-iisip ng ibang tao tungkol sa pagkakaroon niya ng anak.

“I’m not mad, just furious how people think na need mo magkaanak para maging masaya,” saad ni Heart. “I am already a happy person and grateful.”

Dagdag pa niya, “Tama na ang pressure. Inspire each other na lang tayo.”

Taong 2015 nang ikasal sila Heart at Sorsogon Governor Chiz Escudero .

Taong 2018 nang mabuntis si Heart pero hindi nagtuloy nang makunan siya.— FRJ, GMA News