Patok sa netizens ang ginawang panggagaya ni Pokwang sa viral online seller na si "Madame Inutz."
Sa kaniyang Instagram account, ipinost ni Pokwang ang video na gayang-gaya ang mga hirit at hitsura ni Madame Inutz, na madalas libu-libo ang naka-views sa kaniyang live selling pero walang nagma-mine sa kaniyang tindang mga kasuotan at puro pabati lang.
Makikita rin sa video ang anak ni Pokwang na nasa kaniyang likuran.
"Ito ang nagagawa ng lockdown! Bumabalik ang pagiging impersonator ko," saad ni Pokwang sa caption.
Nitong Linggo, itinampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" si Madame Inutz, at dito ay mas nakilala siya bilang isang mabuting ina sa tatlo niyang anak.
Isa rin siyang mabuting anak na nag-aalaga sa kaniyang bedridden na ina matapos ma-stroke.
READ: Viral online seller na si 'Madam Inutz,' kilalanin sa likod ng social media
Mayroon nang mahigit 379,000 views ang naturang view ni Pokwang, na pinusuan din ng ilang celebrities. --FRJ, GMA News