Dama pa rin ang kilig matapos mag-post si Marian Rivera ng throwback photos at video ng proposal sa kaniya ng asawang si Dingdong Dantes pitong taon na ang nakalilipas.
Pinost ito ni Marian sa kaniyang account sa Facebook at Instagram.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing tinawag ito na "The Royal Engagement," na ang isa sa mga pinaka-engrandeng proposals sa Philippine showbiz.
Agosto 9, 2014 nang mag-propose si Dingdong sa gitna ng Marian show kung saan siya ang special guest.
Nagtrending din ang nakakakilig na proposal online. --Jamil Santos/FRJ, GMA News