Sinabi ni Ciara Sotto na hiwalay na sila ng kaniyang Filipino-American boyfriend na si Ian Austin.

Inibahagi ni Ciara ang impormasyon sa kaniyang Q&A vlog na ipinost sa YouTube nitong July 3.

Nangyari ito nang may magtanong na follower niya kung plano ba niyang magpakasal "anytime soon,” na sinagot ni Ciara ng “no.”

“I’m not getting married anytime soon,” nakangiting sagot ng aktres.

Sinundan ito ng isa pang tanong kung sila pa rin ba ni Ian.

“Sorry, I’m single now,” pag-amin ni Ciara.

“And that answers the question, too — That no, I don’t plan on getting married soon,” patuloy niya.

Hindi binanggit ni Ciara kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Ian.

“I just feel that when something has to end, just end it, especially when you have peace in your heart,” paliwanag niya.

“And when things are not working anymore, you just have to let things go and wait for God to surprise you again,” dagdag ni Ciara.

Tumagal ng dalawang taon ang relasyon nina Ciara at Ian.

Bago nito, nakipaghiwalay si Ciara sa dati niyang asawa na si Joe Oconer, at mayroon silang isang anak na si Crixus. — FRJ, GMA News