Sa "Mars Pa More," ibinisto ni Drew Arellano ang mga kakaiba at nakakatuwang tunog na ginagawa ng kaniyang asawang si Iya Villania sa tuwing nasa loob sila ng kanilang tahanan.
"Funny sounds. When she drinks water... 'Gulp! Gulp!' 'Yung gulp, gulp, gulp talagang dinig ng buong bahay 'yung gulp gulp niyan," natatawang kuwento ni Drew.
Sinegundahan naman ito ng kapwa host ni Iya na si Camille Prats.
"Alam mo Mars [Iya], ikaw lang din 'yung taong kilala kong maingay uminom," sabi ni Camille kay Iya.
"Pero I think it's a talent. I honestly think it's a talent or probably a gift that not everyone has," dagdag ni Camille.
Bumawi naman ng pa-pogi points si Drew nang purihin niya ang misis dahil sa pagiging masipag nito.
"I have to say, hindi kasi tamad ang asawa ko, that's the thing. Ako pa ang puwedeng maging tamad. I have to say, even though she's tired from work, she does stuff up just to make people happy. She's always a giver. She thinks of other people than herself. Kahit na pagod na pagod na 'yan, diyan ako bilib sa asawa ko," sabi ni Drew na katabi si Ryan Agoncillo.
"Yes! Meron na naman akong pogi points!" dagdag ni Drew, pagkatapos ng papuri niya kay Iya.
Ikinasal sina Iya at Drew noong Enero 2014. Meron silang tatlong anak: sina Primo, Leon at Alana. --FRJ, GMA News