Sa "The Boobay and Tekla Show," nagkuwento si Katrina Halili tungkol sa kaniyang "secret boyfriend" na isang Koreano, at nakilala raw niya ngayong may pandemic.
"Noong pandemic wala ngang magawa, na-adik na ako sa mga K-drama. Tapos napanood ko siya, na-adik ako sa kaniya. Ang gwapo!" sabi ni Katrina.
Natatawa at pabirong sinabi ng Kapuso star na secret boyfriend niya ang aktor.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Katrina ang edited na larawan na kasama niya ang Korean star na si Park Seo Joon.
"Aba nakakakilig! Kinilig ako ulit, ang saya pala!" biro ni Katrina, nang tanungin kung paano nabago ng kaniyang "boyfriend" ang kaniyang buhay.
--FRJ, GMA News