Umabot na rin sa kani-kanilang mga tahanan ang pag-stan ng mga Pinoy Army sa BTS nang gawin nilang BTS-themed ang kanilang mga kuwarto.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, makikita ang kuwarto ni Joana Romano na nagmistulang BTS tour sa dami ng merchandise.

Kumpleto ito sa album, poster, light stick, key chains, BT21 plushies at mini-dolls o TinyTANs.

BTS din ang tema ng kaniyang bed sheet, towel at keyboard.

Ang kuwarto naman ni Danica Patron, redesigned at repainted para sa kaniyang long-time room project, na merong sariling shelves at wardrobe racks para sa kaniyang BTS merchandise collections.

Meron din itong framed picture ni Jung Kook na kaniyang bias.

Certified na bagong Army naman si Emie Conjurado na tatlong buwan pa lamang naging fan, pero puno na agad ang kaniyang room ng BTS collections.

Hindi makakaila na ang kaniyang bias ay si Jimin sa dami ng Chimmy dolls.

Ganoon din si Marlyn Javier na nitong pandemic naging fan, na hindi na maawat sa pag-stan sa grupo at sa pangongolekta ng mga merchandise, na makikita ula bedroom hanggang sa restoom.

Dagdag motivation at inspiration ang pitong members ng BTS kay Rozanne Lacap kaya pati work station niya ay BTS-inspired din.

Para sa kaniya, nakakagana kung sila ang kaniyang kaharap habang nagtatrabaho. – Jamil Santos/RC, GMA News