Mapapanood na ang original Netflix anime series na "Trese," na tampok ang mga kakaibang nilalang sa Pilipinas.

Ito ang unang Netflix original anime show ng bansa, at ipinalabas na rin ng streaming app ang teaser nito.

Manila ang setting ng series, kung saan naninirahan ang mythical creatures ng Philippine folklore kasama ng mga tao.

Bida si Alexandra Trese, na sasagupain ang isang criminal underworld na binubuo ng mga masasama at hindi pangkaraniwang nilalang.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing dubbed ang series sa Filipino.

Hango ang series mula sa tanyag na komiks na "Trese."

Ang bandang UDD ang nag-compose ng official soundtrack na Paagi.--Jamil Santos/FRJ, GMA News