Sa mga nabigong masubaybayan sa telebisyon ang Kapuso series na "Love of My Life," may pagkakataon muli itong mapanood sa Netflix Philippines simula Mayo 28.
Sa Star Bites report ng GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing bida sa naturang family drama sina Coney Reyes, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Mikael Daez at Rhian Ramos.
Nasa streaming application rin ang Pinoy adaptation ng "Descendants of the Sun" at Kapuso drama anthology na "I Can See You." --Jamil Santos/FRJ, GMA News