Lubos ang pasasalamat ni Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin sa suportang kaniyang natanggap para manalo sa national costume competition ng Miss Universe 2020.
"Myanmar, We did it ?? And it wouldn't be possible if it's not for your love and support. I'm blessed and thrilled that we made it together all the way today," saad ni Miss Myanmar sa kaniyang Instagram.
"I wish I could have made you prouder. But I did my best and hope you all love what we got."
Pinasalamatan din ni Miss Myanmar ang bumoto sa kaniya sa Best National Costume.
"And Thank You So So Much to those who voted for Best National Costume. It's more than a costume. It's a message, spirit and solidarity."
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing tumatak si Miss Myanmar nang magpakita siya ng papel na may nakasulat na "Pray for Myanmar" habang rumarampa sa entablado.
Hindi nagamit ni Miss Myanmar ang kaniyang national costume dahil sa aberya, pero gumawa pa rin siya ng paraan upang maipahatid sa mundo ang mensahe para sa kaniyang bansa.
Ilang buwan na ang nakalilipas nang agawin ng militar ang pamamahala sa kanilang bansa.
Kasunod ng mga protesta, tinatayang mahigit 700 katao na ang nasawi at 5,000 ang nadakip sa kanilang bansa. —LBG, GMA News