Hindi napigilan ng buntis na caller ang maiyak sa tuwa nang malaman na si Willie Revillame ang kaniyang kausap sa cellphone. Kapus na kapos na raw sila at kailangang-kailangan nila ang dagdag na pinansiyal dahil kabuwanan na niya.

Nabanggit na rin ng caller na nangungupahan lang sila ng kaniyang asawa ng kuwarto dahil umalis sila sa poder ng kaniyang mga magulang matapos na magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kaniyang ama.

Kaya naman si Kuya Wil, nag-isip ng paraan kung papaano susuyuin ng caller ang kaniyang ama upang magkabati na sila. Panoorin ang video.


--FRJ, GMA News