Ibinahagi ni Heaven Peralejo sa kaniyang vlog ang karanasan niya sa pagkakaroon ng COVID-19.
Sa naturang vlog na ipinost nitong Abril 10, ibinahagi ni Heaven ang karanasan niya mula sa unang araw na magpositibo siya sa virus hanggang sa dalhin na siya sa ospital.
“I don't know if I'm ready to share this with you guys. It's too personal, but... just in case,” anang young actress.
Wala raw siyang lagnat pero nakaramdam siya ng panghihina, hirap sa paghinga, sakit ng ulo at katawan.
Gumamit na rin siya ng oxygen machine dahil bumaba na ang kaniyang oxygen level.
"Pagkagising ko kaninang morning, it was so difficult to breathe. Parang ang bigat bigat ng puso ko,” ani Heaven .
Noong una ay nag-quarantine siya sa bahay at pagkatapos at lumipat sa hotel, at sumunod naman sa ospital nang lumubha na ang kaniyang nararamdaman.
Nangako ang aktres na patuloy niyang ibabahagi ang COVID-19 journey sa mga susunod niyang vlog.
Ilang lang sa mga celebrity na pinakahuling tinamaan ng COVID-19 ay sina COVID-19 ay Rhian Ramos at K Brosas. --FRJ, GMA News