Dahil sa akalang walang patutunguhan noon ang relasyon nila ng mister niya na ngayong si Rodjun Cruz, inihayag ni Dianne Medina na pumasok na kaniyang isipan na makipaghiwalay.

Sa live cast session ng Pep.ph noong Marso, sinabi ni Dianne na nakaramdam siya noon ng pagkainip kung kailan siya aalukin ng kasal ni Rodjun dahil na rin sa kaniyang edad at tagal na ng kanilang relasyon.

Anang aktres at TV host,  sa ika-10 taong aniberasyo ng kanilang relasyon noon, inisip niyang sapat na ang tagal ng kanilang pagiging magkasintahan at hindi na siya bumabata.

Nang panahong iton, 30-anyos na si Dianne, at pumapasok na sa isip niya na bala walang balak si Rodjun na magpakasal.

"Sabi ko, ‘’Pag ito wala pang nangyari, aalis na ako,’” kuwento niya.

Iniisip din ni Dianne ang kaniyang kalusugan at kakayanan ng katawan ng babaeng nagkaka-edad na para magkaroon ng anak at makabuo ng pamilya.

Hindi pala alam ni Dianne, may pinaplano si Rodjun na mag-propose ng kasal sa kaarawan nito noong Oktubre 2017.

Noong Decemeber 2019, nagpakasal sina Dianne at Rodjun, at ngayon ay mayroon na silang anak na si Joaquin, na pitong-buwang-gulang na ngayon.

Para kay Dianne, ang lahat ay nakabatay sa oras na itinakda ng Panginoon.— FRJ, GMA News