Sa "Mars Pa More," sumabak sa isang game sina Iya at LJ Reyes kasama ang kanilang celebrity guests kung saan tinanong sila tungkol sa mga tao na gaganap sakaling gawin teleserye ang kanilang buhay.
Sinagot ni Iya ang tanong kung sino ang kaniyang magiging alternatibong love interest.
"Ah alam ko na. 'Yung casting, kapag wala si Drew (Arellano), si Solenn Heussaff," saad ni Iya. "Kung hindi puwede kay Drew, magiging tommy (tomboy) na lang ako."
Sabi pa ni Iya, "Siguro ako, siguro magiging makulay ang buhay ko no'n 'no kung gano'n."
Ipinaliwanag nito ng "Mars Pa More" host kung bakit.
"Siya na lang kasi girl crush ko naman talaga siya eh. Kasi, ano ba ang hindi kayang gawin ng babaeng 'yon 'di ba?," saad niya.
Para naman kay Iya, ang COVID-19 ang pinakamatinding "plot twist" na nangyari sa buhay ng kaniyang pamilya.
"Biglang hindi puwedeng lumabas, biglang bawal na tayong magbeso-beso. Wala nang beso-beso, wala nang yakap-yakap. All of these things are very Pinoy and now all of it is gone. I think that was a major plot twist," saad niya.
Pero pasasalamat naman ni Iya na nagkaroon pa rin siya ng "new discoveries" sa kanilang pamilya.
Alamin ang teleserye ng buhay nina LJ at kanilang mga guest sa video. --FRJ, GMA News