Dahil 13-taong-gulang na ang panganay niyang si Nathan, sinagot ni Camille Prats ang tanong kung papayagan na niya itong manligaw.

"Ang sasabihin ko kay Nathan 'pag sinabi niya 'yan (gustong manligaw sa crush) ay, it's okay to invite friends over. Of course your friends are welcome here in our home," sabi ni Camille sa "Mars Pa More."

Gayunman, hindi pa raw papayagan ng Kapuso actress-host na manligaw ang teenager niyang anak.

"Pero kung ikaw ay manliligaw anak, 'yan ang hindi pa talaga pupuwede. You have to be old enough, mature enough and responsible enough before you do that. But friends are always welcome," saad ni Camille.

In denial pa rin daw si Camille na nagbibinata na ang kaniyang anak, pero saad niya, "Kailangan natin i-prepare 'yung sarili natin. Na may changes talaga that will happen within our family, at ito na 'yung stage na 'yun."

Para kay Camille, nararapat lamang ang panliligaw kapag handa nang makatuluyan ng isang lalaki ang kaniyang liligawan.

 

 

"Ako kasi ang take ko lang sa panliligaw at crushes, the only time I will allow my kids, especially the boys na manligaw ay kapag kaya na nilang bayaran lahat ng dapat nilang [bayaran]," paliwanag ni Camille.

"Dapat ang goal nila para sila ay manligaw ay kung ready na silang mag-asawa. Kung hindi naman sila ready na mag-asawa, huwag silang manliligaw kasi that's the purpose of courting," dagdag pa niya.

Sabi pa ni Camille: "That's not how I would want them to take relationships, na ganoon siya ginagawa. Ang purpose ng relationships is for long-term, not for you to mingle around and choose and then jump to the next one. I don't want them to think na ganu'n 'yung purpose ng relationship. Kaya ayoko na maaga silang mag-start."

Ipinagdiwang ni Nathan ang kaniyang kaarawan nitong Enero 24.

Anak ni Camille si Nathan sa una niyang asawa na si Anthony Linsangan, na pumanaw na. Sinundan naman si Nathan nina Nala Camilla at Nolan, na anak niya sa kasalukuyang asawa na si VJ Yambao.--FRJ, GMA News