Kung si Anthony Rosaldo ang papipiliin, gusto niyang maka-love team ang kapatid ni Ruru Madrid na si Athena o Rere Madrid.
"Para sa akin si Athena Madrid kasi alam niyo namang lahat na magka-close kami, magkaibigan kami at nagka-work na kami. Para sa akin bibihira 'yung mga babae na maganda na, mabait pa, at bukod sa lahat, napaka-talented niyang si Athena," sabi ng The Clash Season 1 alumnus sa "Mars Pa More."
"Kaya talaga namang hindi na ako lalayo, siya na talaga 'yung gusto kong makatrabaho in the future," dagdag ni Anthony.
Nakatrabaho na raw ni Anthony si Rere at hinangaan niya ang dalaga.
"Bukod sa magkasama kami sa acting workshop. Siya 'yung naging leading lady ko sa music video ko ng recent ko lang na nilabas na song," kuwento ng binata.
Ang tinutukoy ni Anthony ay ang bago niyang single na "Pwedeng Tayo" sa ilalim ng GMA Music.
"Nakapag-bonding kami. Grabe kasi 'yung sense of humor niya. Bukod sa maganda, mabait, talented, click kami kasi makulit kaming pareho," anang Kapuso singer.--FRJ, GMA News