Sa kabila ng kaniyang mga nakakatuwang video sa Tiktok bilang si "Conyo Girl," inihayag ni Raine Matienzo na isa siyang introvert at reserved na tao.
"A lot of people don't know na I am a very reserved person. I think not a lot of people get that from my vibe kasi they think I'm so extroverted, I like being around people," sabi ni Rain sa In the Limelight ng GMA Artist Center.
Katunayan, hinuhugot daw ni Rain ang kaniyang high energy sa paggawa niya ng videos matapos ang kaniyang "me time."
"But honestly I get my energy from being alone. Kaya siguro napakabibo ko dito sa 'In The Limelight' kasi nga nakapag-recharge ako with 'alone time,' with 'me time.' I really like activities that I can do while spending time with myself," sabi ni Rain, na nakahiligan ang journaling, meditating, yoga at Bible reading.
Dating UAAP courtside reporter si Rain, na isa na ring Kapuso.
Pag-amin ni Raine, dahil sa kaniyang pagiging mahiyain ay naiyak siya noon at hindi niya kinaya ang "stage freight" nang minsan hilingin sa kaniya ng kaniyang inang teacher na magtanghal sa stage.
"Medyo malabo 'di ba? Introvert ka pero ang career na gusto mo requires a lot of confidence. I had to sit down with myself and realize a lot of things throughout 'yung experiences ko nga in life, kumbaga trial and error din," sabi niya.
Dagdag ni Rain: "It was a slow but sure process na 'Okay I will do this hosting gig today.' Pero honestly even now pagka may hosting gig parang oh my goodness, natatakot pa rin akong humarap sa tao at magsalita."
Pero kung sadya raw na gusto mo ang iyong ginagawa, makakahanap ka ng paraan para malaban ang takot, ayon sa dalaga.
"I can't really describe how I push myself pero I just go and do it. Yes, just do it," sabi pa ng Tiktok personality.
Matatandaang nag-viral ang isang video ni Rain nang kunwaring mag-host siya ng Chika Minute ng GMA News "24 Oras" pero conyo ang kaniyang pananalita.
--FRJ, GMA News