Itinanggi ni Lindsay De Vera na nabuntis siya ni Dingdong Dantes. Kasabay nito, sinabi ng aktres na nakikipag-usap siya sa mga abogado para pagsasampa ng kaso laban sa nagpakalat ng naturang "fake news."
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, inamin ni Lindsay na naapektuhan siya ng naturang malisyosong intriga.
"Nagulat po ako because it has been a very long time since last ko pong nakasama at nakatrabaho si Kuya Dong. And then ngayon pumutok 'yung issue," sabi ni Lindsay.
"2017 'Alyas Robinhood' the last time I worked and saw kuya Dong. 2018 I did 'Victor Magtanggol.' Kung nabuntis po ako dapat noong 'Victor Magtanggol' pa lang nakikita na nila na lumalaki 'yung tiyan ko or may napapansin na sila sa katawan ko na kakaiba," anang aktres.
"But I still did projects. I still did guestings all throughout the years. So it's not true, hindi po totoo. Walang namagitan po sa amin ni Kuya Dong," paliwanag pa ni Lindsay.
Ipinaliwanag din ni Lindsay kung bakit hindi siya naging aktibo sa showbiz nitong nakaraang dalawang taon.
"I wanted to focus on my studies because maaga po akong nag-graduate ng highschool. I was 15 when I graduated so since I gave some time sa career ko, sa passion ko, I wanted also to give time sa education ko. From 2018 up until now I have been spending more time sa studies ko," patuloy niya.
Handa raw si Lindsay na harapin hanggang sa korte ang mga nagpakalat ng maling balita.
"Malakas po loob ko to tell them, to ask them to come forth with proof if they can. Patunayan po nila na nabuntis ako ni kuya Dong. Ang masasabi ko po kasi is, right now I'm talking to lawyers as well and we are speaking of possible charges that we can file to those who claim that to be true," sabi ni Lindsay.
Hamon ni Lindsay: "I encourage you, if you have the proof na nabuntis ako ni Kuya Dong, please come forth and we will meet each other in court."
Kahit abala sa pag-aaral, hindi naman daw tatalikuran ni Lindsay ang oportunidad sa showbiz.
"If the opportunity comes naman I wouldn't say no. Pero for now po talaga I'm focusing on my studies and my education. I'm not getting any younger tapos kaka-birthday lang po. So I want to pursue my studies and at least graduate college," anang dalaga.