Nagdadalamhati ang Kapuso actress na si Manilyn Reynes sa pagpanaw ng kaniyang mahal na ama na si Nelson.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Manilyn ng larawan na masayang kasama ang ama.

"Pahuway na, Dy. Wa nay sakit ug ka-lisud para kanimu. Pinangga kaayo ta ka," saad ng Cebuana actress na nagsasabing magpahinga na at wala nang sakit na nararamdaman ang kaniyang ama.

"Mahal na mahal kita. Kami nila Aljohn, Kyle, Kirk ug Kael. Love you very much. We all love you very much," dagdag pa niya.

 

 

Hindi binanggit ng aktres ang dahilan ng karamdaman ng ama.

Noong nakaraang Biyernes, humingi ng panalangin si Manilyn sa kaniyang followers para sa kaniyang ama.

Noong 2019, nag-post si Manilyn ng video habang kinakantahan nila ng kaniyang ama ang amang nakaratay dahil hindi na nito kayang manood ng kaniyang mga pagtatanghal dahil sa karamdaman. — FRJ, GMA News