Ang dokumentaryong war on drugs film na "Aswang" ang opisyal na pambato ng bansa sa Oscars.

Nakapasok ang drug war documentary ni Alyx Arumpac sa 93rd Academy Awards matapos na manalo ng White Goose Award sa DMZ International Documentary Film Festival nitong nakaraang taon.

Nakasaad sa website ng Oscar na ang mga kalahok na nanalo sa qualifying award ay pasok sa Documentary Feature category.

Nakasama ang "Aswang" na ipalabas sa noong Enero 28.

Sinundan sa dokumentaryo ang unang dalawang taon ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Bahagi nito ang mga kuwento ng mga biktima mula sa mahihirap na komunidad, at kung paano nagbago ang kanilang buhay sa ilalim ng administrasyon ni Duterte.

Una rito, nakuha ng "Aswang" ang FIPRESCI Award sa International Documentary Film Festival sa Amsterdam noong 2019.

Nanalo rin ito sa FAMAS Awards 2020, para sa best picture, best documentary, best editing, at tabla sa best cinematography sa Babae at Baril ni Tey Clamor. —FRJ, GMA News