Dahil sa mga pahayag ng kaniyang mister na si Sorsogon Governor Francis Escudero na siya [Escudero] ang mauunang mawawala sa mundo, hindi maiwasan ni Heart Evangelista na isipin na dumating ang panahon na mag-isa na lang siya kapag dumating na ang kaniyang oras na lisanin ang mundo.
“My husband would always tell me to be strong. He doesn’t baby me whatsoever because he would tell me he would go first… feel like crying every time he says that," saad ng Kapuso actress sa kaniyang post na tinatawag niyang "Chika time."
“I know I will one day die alone … it’s my biggest fear but I know by that time I will be happy with all the memories I have and I will be stronger to face that one moment," patuloy ng aktres.
Sa kabila ng kaniyang pangamba, naniniwala ang aktres na totoo na may langit at hindi rin siya iiwan ng kaniyang mahal na alagang aso.
“I also know for a fact that Panda promised me (that) she will be there waiting for me so I won’t be scared," ayon kay Heart.
May nagtanong naman kung papaano naramdaman ni Heart na si Escudero ang lalaking para sa kaniya, sinabi ng aktres na ipinaglaban siya nito.
“He was kind, supportive, understanding, loved unconditionally. He’s my best friend," saad niya.
Nagbigay din ng kaniyang pananaw ang aktres tungkol sa pag-ibig, tulad ng paghihiwalay.
Ayon kay Heart, laging may plan B ang Diyos kaya makabubuti ang magparaya.
“Magparaya ka kung mahal mo talaga siya. You would want him to be happy even if hindi kayo," payo ni Heart.
Ipagdiriwang ni Heart at Escudero ang kanilang ika-anim na wedding anniversary ngayong Pebrero. —FRJ, GMA News