Nagsalita na ang ex-girlfriend ni Joem Bascon na si Crisha Uy matapos ihayag ng aktor at aktres na si Meryll Soriano ang tungkol sa kanilang anak.

Para linawin ang lahat, nagkomento ang vlogger na si Crisha sa mga komento, tags, at hinala tungkol sa isui.

Walang binanggit na pangalan, binalikan ni Crisha ang araw tungkol sa isang larawan na ipinost at naging laman ng balita.

"It was uploaded before my birthday and then nag-flood ng tags, mentions, comments," saad ni Crisha.

Akala raw niya noong una at mga pagbati ang naturang mga tags at comments, "Yun pala pasabog."

"'Di ko alam bakit niyo ko tinag or bakit niyo ko minention. Gusto niyo ata ako saktan," biro niya.

Matapos pasalamatan ang mga nagmensahe at nag-tag sa kaniya, sinabi ni Crisha na alam na niya ang lahat bago pa man malaman ng publiko.

Ipinaliwanag pa niya na mayroon silang naging common friends ni Joem sa loob ng walong taon nilang relasyon kaya niya nalaman ang balita.

"So yes, alam ko na yung totoo. Alam ko yung relatonship nila, their bundle of blessing," dagdag ni Crisha.

Pagtatapat ni Crisha sa kaniyang naramdaman nang mabasa niya ang balita.

"Nung naramdaman ko that day, nagalit ako. Kasi bumalik feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala yung feeling na nakita mo versus kwinento or chinika lang sayo," pahayag niya sa video post.

Patunay daw iyon ng pagsisinungaling ni Joem sa kaniya.

"Finally, na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya nun, and I was lied to. Kasi I gave him the benefit of the doubt eh, before. Pero yun nga, sampal pala sa mukha nung nakita ko yun. Sampal sa mukha, na tama pala yung hinala ko noon," aniya. "Finally gurl confirmed."

May isang nagtanong kung bakit hindi sila nagkaanak ni Joem sa walong taon nilang pagsasama, tugon ni Crisha, "It wasn't in our mind at that moment. Siguro kasi we're not with the right person you know? If napanuod niyo yung vlog ko, we were planning to get married and tsaka na kami mag-family."

"I think hindi natuloy yun kasi we are not really meant to be and God is good," dagdag pa niya.

Sa isang ulat ng PEP.ph, sinabing nagkabalikan sina Meryll at Joem noong nakaraang taon. Nagkahiwalay ang dalawa noong 2009.

Samantala, nabalita naman ang paghihiwalay nina Crisha at Joem noong Enero 2020 matapos ang walong taong pagsasama. — FRJ, GMA News