Tila anghel nang ilarawan ni Derrick Monasterio si Bianca Umali, na kaniyang magiging love interest sa upcoming Kapuso series na "Legal Wives."
Sa Mornings with GMA Regional TV, natanong si Derrick kung ano ang kaniyang paboritong scene sa serye na kasama ang magandang aktres.
"Our first meeting. Kasi ako na-envision ko talaga 'yung character ko as someone na naive, medyo meek. So the first meeting, I believe na siya talaga 'yung character niya and ako talaga 'yung character ko," sabi ni Derrick.
"So it's like seeing an angel for the first time. You know, Bianca has a really beautiful face and a very talented actress. So for me nakita ko talaga 'yung parang 'Oh, ang ganda nito ah.' Ganu'n. Immediate love at first sight," dagdag ng aktor.
Gaganap si Derrick bilang isang Katoliko, na iibig sa karakter ni Bianca na si Farrah, isang Muslim.
Ipakikita raw sa programa ang kultura ng mga Muslim.
"Matutunan niyo 'yung family ethics ng Muslim, 'yung idiosyncrasies ng Muslim love, forbidden love between Muslim and Catholic, 'yung dynamics, makikita niyo lahat 'yan," sabi ni Derrick.
"Matutunghayan niyo ito first quarter of this year. Pinaghandaan namin ito, this is a very well-researched show," dagdag niya.--FRJ, GMA News