Sinariwa ni Glaiza de Castro ang ginawang proposal ng Irish fiancé na si David Rainey sa Ireland na hindi niya napigilang maluha. Dahil sa nangyari, sinabi ng Kapuso actress na doon lang niya nalaman ang pakiramdam ng mga babaeng inaalok ng kasal ng kanilang nobyo.
“Siyempre, ilang beses ko nang ginawa yun sa mga eksena. ‘Tapos kinukuwestiyon ko na every time na gagawin ko siya, ‘Bakit umiiyak yung karakter ko? Bakit kailangang umiyak? Proposal lang naman, hindi pa naman wedding,'" kuwento ni Glaiza sa ulat ni Gorgy Rula sa PEP.ph mula sa panayam kamakailan ng DZRH via Zoom sa aktres.
Doon lang daw naintindihan ni Glaiza ang nararamdaman ng mga kababaihang naiiyak kapag nagpu-propose ang kanilang boyfriend.
“Ganun pala yung feeling, ‘no?” sambit niya nang siya na ang makaranas ng naturang sitwasyon.
“Pero nung nandun na ako sa actual na sitwasyon, ganun pala yung pakiramdam na parang hindi siya totoo, na parang nandun din yung…
“Oh my God, lahat ng paghihirap natin, lahat ng questions ko before, lahat ng mga uncertainties ko, tinuldukan niya, na parang, ‘Sure na ‘to, sure na tayo.’ Yung ganun!”
Kaya lalo raw nanlamig ang kanyang kamay nang tinanggal na ang suot niyang gloves at isinuot ang singsing.
“Sobrang nilalamig ako kasi mahangin din nung panahon na yun.
“Parang hindi totoo. Lahat nung time na nangyari yun, parang hindi siya totoo.
“So, parang yung nasa alapaap ako. Parang nananaginip.
“‘Tapos pagkasabi ko ng ‘yes,’ biglang pumutok yung araw.
“Timing na ganun. Biglang nagliwanag talaga,” excited niyang kuwento.--For the full story, visit PEP.ph