Nanalo si Lovi Poe bilang Best Actress for Feature Film sa ika-10 International Film Festival Manhattan para sa pagganap niya sa pelikulang "Latay."

Sa Star Bites ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing Best Actor naman ang katambalan niyang si Allen Dizon.

Nanalo rin ang pelikula rin ng Jury Award Best Narrative Global sa direksyon ni Ralston Jover.

"I have never portrayed the role of a violent wife to a battered husband. To say it was challenging is an understatement. I am fond of taking on off beat roles and doing projects like this that raises awareness about domestic violence, particularly towards men, which isn’t documented as much," sabi ni Lovi sa kaniyang Instagram.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

 

"As I type this, I just finished rewatching the trailer of this memorable project—LATAY. Thank you Cinema Bravo and the International Film Festival Manhattan," dagdag ni Lovi.

Sa short film category naman, waging Best Director si Louie Ignacio para sa "Biyaheng Madilim" samantalang Best Actor si Teri Onor.

Nakuha rin ni direk Louie ang Lifetime Achievement Award.

Dalawampu't dalawang Pinoy films ang ipinalabas sa naturang festival. – Jamil Santos/RC, GMA News