Sa pagbabalik-taping niya sa "Taste Buddies," inilahad ni Gil Cuerva na isa sa mga natutunan niya bilang co-host sa programa ay i-entertain pa rin ang guests kahit sarap na sarap na siya sa kaniyang kinakain.

"When I was starting out sa Taste Buddies, I wasn't really interacting with the guests. Kasi 'pag 'Tikiman Time,' 'yung segment namin where we start the food, kain lang ako nang kain eh. I would just eat and eat," natatawang kuwento ni Gil sa GMA Regional TV.

Dahil sa sarap ng mga pagkain sa binibisita nilang mga restaurant, nalilimutan na raw mismo ni Gil na makipag-usap sa guests.

"Tapos hindi ko napapansin. 'Oh, oo nga pala may guests pala tayo 'no? Maybe [I] should, as the host, interact with the guest 'di ba?'" sabi ni Gil.

"Oo, parang masyadong seryoso sa pagkain. 'Yan tuloy nakalimutan [ko] 'yung guest," natatawa niyang kuwento.

"I think that's something I'm still developing over time but it's one of the things that I really, really, learned the most since I started Taste Buddies."

Naging emosyonal naman ang co-host niyang si Solenn Heussaff sa pagbabalik-trabaho niya rin sa Taste Buddies.--FRJ, GMA News