Sa harap ng nararanasan pa ring na COVID-19 pandemic, hinikayat ni Valeen Montenegro ang mga tao na maging positibo pa rin ang pananaw at bilangin ang mga biyayang nakakamit kaysa mga wala.
Sa isang panayam sa GMA Regional TV, sinabi ni Valeen na darating din ang panahon na malaya na muling makalalabas ang lahat.
"Sana eventually we can all go out soon para makagala na tayo and matapos na itong pandemic na ito," saad niya.
Sa kaniyang Instagram photos, makikita na patuloy si Valeen sa pag-alaga sa kaniyang katawan ngayong home quarantine.
"I told myself na I don't want to feel useless. So I wanted to push myself, one. And of course, to push most of my followers on Instagram na they have to workout, they have to move kahit na, let's say they're all at home lang or ang dami na nagsasabi they're bored, they have nothing to do," saad niya.
"'Yun 'yung hinahawaan ko silang lahat, hindi 'yung COVID. Hinahawaan ko sila ng positivity ko, not 'yung positivity ng COVID," masayang dagdag ni Valeen.
Payo ng "Bubble Gang" star sa mga tao ngayong pandemic; "Count your blessings, not what is missing,"
"It's always easy to pinpoint the things na 'Sana may ganiyan ako, buti pa siya may ganiyan.' It's so easy to think that way, but then pina-practice natin na sabihin natin sa sarili natin 'What if I start counting what I have or what I am thankful for. And little by little we become better people. Our faces lighten, we smile more, nakakahawa 'yung ganu'ng energy," dagdag ni Valeen.--FRJ, GMA News