Inilabas na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pinal na listahan ng mga kalahok para sa taong 2020.

Dahil sa COVID-19 pandemic, gaganapin muna sa online ang taunang pagdiriwang sa pamamagitan ng Upstream.

Simula Disyembre 25, maaari nang mapanood ng moviegoers sa kani-kanilang tahanan ang 10 pelikula.

 

 

*Magikland: Isa itong "Christmas story about kids being empowered," na tampok ang "Prima Donna" stars na sina Katrina Halili at Elijah Alejo. Sa direksyon ni Christian Acuña, kasama rin sa fantasy adventure movie na ito sina Bibeth Orteza, Princess Aliyah Rabara, Hailey Mendez, at Kenken Nuyad.

*Coming Home: Family drama ang tema ng pelikulang ito tampok sina Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Martin del Rosario, Shaira Diaz, Geneva Cruz, Edgar Allan Guzman, Samantha Lopez, Ara Arida, at Vin Abrenica. Sa direksyon ni Adolfo Alix, Jr.

*The Missing: Ang nag-iisang horror film sa listahan, kung saan bibida sina Joseph Marco, Ritz Azul, at Miles Ocampo. Sa direksyon ni Easy Ferrer.

*Tagpuan: Sa direksyon ni McArthur Alejandre, isa itong love story at drama tampok sina Alfred Vargas, Iza Calzado, at Shaina Magdayao.

*Isa Pang Bahaghari: Isang family drama na pangungunahan ni "Superstar" Nora Aunor at Philip Salvador, at kasama rin si Sanya Lopez. Sa direksyon ni Joel Lamangan.

*Suarez: The Healing Priest: Tungkol ito sa naging buhay ng healing priest na si Fr. Fernando Suarez, na pagbibidahan nina John Arcilla at Jin Macapagal. Sa direksyon ni Joven Tan.

*Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim: Adventure-comedy-fantasy naman ito na bida sina Vhong Navarro at Barbie Imperial, sa direksyon ni Topel Lee.

*Pakboys: Takusa: Isang comedy na pagbibidahan nina Andrew E., Janno Gibbs, Dennis Padilla, at Jerald Napoles, sa direksyon ni Al Tantay.

*The Boys Foretold by the Stars: Isang romantic comedy tungkol sa pagbibinata na pagbibidahan nina Adrian Lindayag at Keann Johnson, sa direksyon ni Dolly Dulu.

*Fangirl: Sa direksyon ni Antoinette Jadaone, tungkol din ito sa coming of age na bida sina Paolo Avelino at Charlie Dizon.-- FRJ, GMA News