Maliban kay Ruru Madrid, isa pa sa mga Kapuso actor na hangad ni Shaira Diaz na makatrabaho ay si Alden Richards. Alamin kung bakit.
Sa panayam ng "In the Limelight," inihayag ni Shaira na natupad na ang pangarap niyang makatrabaho si Ruru na magiging leading man niya sa upcoming Kapuso series na "Lolong."
Bukod kay Ruru, isa pa sa mga aktor na gustong makatrabaho ni Shaira ay si Alden.
"Na-curious talaga ako [kay Alden] after ko siyang mapanood sa movie. Sabi ko, 'Wow! Grabe parang sobrang lalim niya.' Basta sobrang na-appreciate ko yung na bigyan niya ng importance... pahalagahan at mahalin yung craft niya," paliwanag ng aktres.
Panoorin ang buong panayam kay Shaira at alamin din kung ano ang maituturing niyang biggest accomplishment niya so far sa kaniyang buhay.--FRJ, GMA News