Hinangaan ng netizens ang "quaran-toned" body ni Jasmine Curtis-Smith na kaniyang pinaghirapan ngayong panahon ng community quarantine bilang paghahanda rin sa kaniyang pagbabalik-trabaho.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras," sinabi ni Jasmine na mahalaga pa ring panatilihin ang pagiging fit at healthy kahit naka-lockdown.

"Kung you take care of your health, you take vitamins, you exercise regularly, you really are present sa pangangalaga sa sarili mo then also do the extra safety precautions, you should be fine. And you should just be wary of people around you and you should be extra cautious pa rin of that," sabi ni Jasmine.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sunday sweat ???

A post shared by Jasmine (@jascurtissmith) on

 

Sasalang na ulit si Jasmine bilang si Captain Moira Defensor sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun, na nanalong Best Popular Foreign Drama Award of the Year sa 15th Seoul International Drama Awards.

Kaya naman sobrang excited si Jasmine na ipagpatuloy ang Kapuso series.

"Sobrang laking satisfaction for everyone and our outmost gratitude talaga to the Seoul International Drama Awards kasi it feels good for someone's adaptation to their culture of a story so well-received before na matanggap din nila and mapanalunan pa natin, it's an amazing thing to happen," sabi ng Kapuso actress.

Maliban dito, naghahanda rin si Jasmine sa isang espesyal na TV project sa Kapuso Network.

May ginawa rin si Jasmine na isang short film na long-distance relationship love story sa gitna ng COVID-19 pandemic na pinamagatang "Until It's Safe."

Apat na tao lang ang nasa production ng nasabing short film.

"Ginawa naming set 'yung bahay ko, 'yung kwarto ko tinransform namin mula wardrobe, mula set ng production design, kami lang dalawa. An experiment ba? 'Yun ang unang una kong ginawa siguro mga May I think or April 'yon," kuwento ni Jasmine.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News