Lubos ang pasasalamat ng iba't ibang grupo o asosasyon ng mga jeepney driver sa ipinagkaloob na tulong sa kanila ni "Wowowin-Tutok To Win" host Willie Revillame.
Tunghayan sa video ang ilang eksena nang personal na ipamahagi na ni Kuya Wil ang tulong sa mga tsuper na ginawa sa tanggapan ng LTFRB sa Quezon City kamakailan. Panoorin.
Punong-puno ng ngiti ang mukha ng mga tsuper nang matanggap na nila ang munting donasyon ni Kuya Wil na bukod sa pera ay may kasama pang bigas at jacket.
--FRJ, GMA News