Sa isang episode ng online dating show na "E-Date Mo si Idol," tinanong si Sophie Albert ng napili niyang searchee kung sino ang kaniyang pipiliin: Ang tanong pinapangarap niya o ang taong bubuo ng kaniyang pangarap. Alamin ang tugon ng aktres.
Napaisip nang husto si Sophie sa naturang tanong dahil hindi niya raw lubos na maisip kung magiging tama ang kaniyang sagot, batay sa kaniyang pagkakaunawa sa tanong.
"Actually its a hard question. Pero feeling ko ang [taong] pinapangarap ko," sabi ni Sophie kay Nelo.
"Kasi ayokong magrely sa isang tao na buuin ang mga pangarap ko. So mas gusto kong ako ang makabuo ng mga sarili kong pangarap," paliwanag pa niya, na may pagdududa pa rin kung tama ba ang sagot niya.
Pareho kaya kayo ng sagot ni Sophie? Panoorin ang naturang episode at kwentuhan nina Sophie at Nelo sa video na ito ng "E-Date Mo si Idol."
--FRJ, GMA News