Habang may community quarantine at hindi muna busy sa shooting at taping, ang pagsusulat ng poetry and stories ang isa sa mga pinagkabaalahan ni Lovi Poe.
Sa ulat ng GMA News "Unang Hirit" nitong Lunes, sinabi ng aktres na nakatulong daw ang kaniyang pagsusulat para malampasan ang stiwasyon ngayon.
At dahil hindi raw siyang masalitang tao, nailalabas niya ang kaniyang saloobin at damdamin sa pagsusulat.
Sa isa naman niyang Instagram post, ibinahagi ni Lovi ang gagawin niyang pelikula na ang kaniyang karakter ay inilarawan niyang "my most challenging character yet."
"Script analysis, one of my fave parts in doing a film. This might be my most challenging character yet. Filming soon," saad ni Lovi sa caption ng larawan ng script.
--FRJ, GMA News