Apat na buwang buntis si "OPM Acoustic Princess" Princess Velasco sa ikatlo niyang anak. Inamin naman niyang natakot din siya lalo't panahon ngayon ng COVID-19 pandemic.
"I am four months pregnant! Alam mo nakakapraning talaga pero kaya naman," paglalahad ni Princess sa panayam sa kaniya ng GMA News "Unang Hirit."
"Grabe, ibang-iba. Nakakatakot, nakakapraning. Siyempre hindi ka puwedeng magpa-checkup, hindi ka puwedeng pumunta sa ospital palagi unlike before every month, 'di ba may check-up,” dagdag pa ng singer.
Nagpasalamat naman si Princess na "nakikisama" rin ang baby niya sa "new normal."
"Kasi, for my first two boys mas maselan ako magbuntis, pero ngayon, siguro nadadaan ko rin sa dasal. Kinakausap ko, 'Chill ka lang.' So, chill lang naman siya. Hindi ako nahihirapan," kuwento ni Princess.
Sa kaniyang Instagram, sinabi ni Princess na maituturing niyang sorpresa ang kaniyang pagbubuntis dahil ito ang unang pagkakataon na nabuntis siya sa natural na pamamaraan.
"I cried when I found out I was pregnant, because we were in the middle of ECQ, and my mama heart plus hormones made me worry about the future, and safety of this baby. This is also the 1st time I got pregnant naturally so it was quite a surprise!" sabi niya.
"But now I'm in my 2nd trimester, I am looking forward to this newest blessing and addition to our family. Yes, we will be adding to the baby boom, but we promise that we will take care of this child and raise it to be a good citizen of the world," saad niya.
May dalawang anak na si Princess na sina Kobe at Milo.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News