Nagkaroon ng kaniya-kaniyang revelations ang mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez nang sumabak sila sa "Truth or Drink with Mom" sa latest vlog ni Janine. Si Lotlot, nagbigay ng kaniyang rating sa boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz, pati na rin ang mga naging "ex" ng anak.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras," sinabing halatang kabado na agad si Janine sa simula pa lang ng kanilang game na may kakaibang twist.

Sinagot ni Lotlot ang buwena-manong tanong na i-rate ang boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz.

"Rayver is a 9.5. Bigyan natin ng space na galingan pa niya lalo. Bago si Rayver, 4. Hahaha!" sagot ni Lotlot.

Natanong din si Lotlot kung sino ang worst na aktor o aktres na kaniyang nakatrabaho.

Pero iniwasan itong sagutin ni Lotlot kaya pumili na lang siya ng drink. Parusa naman sa kaniya ang pag-inom ng spicy suka.

May tanong din na iniwasan si Janine kaya alak naman ang nainom niya.

Umamin din si Janine na may pagkakataong nagsinungaling na rin siya sa kaniyang mga magulang dahil strict ang mga ito.

Ayaw daw siyang payagan noon sa mga out of town gimmick kaya para-paraan si Janine para magpaalam.

"Ma I'm just going to Pia's house, but the truth is, I'm in Pia's house in Tagaytay," kuwento ng Kapuso actress.

Naging honest naman si Lotlot pagdating sa acting ni Janine. Siya raw ang number one critic ng anak lalo noong nagsisimula pa lamang si Janine sa showbiz.

"Oh my God guys it was so bad, sobrang lala talaga. She texted me, she was like 'Anak huwag na huwag mo nang uulitin 'yun,'" kuwento ni Janine tungkol sa kaniyang ina.

Naging seryoso rin ang usapan nang magkuwento si Lotlot tungkol sa kaniyang pagiging batang ina at nang ipanganak si Janine.

"Be strong, be patient there's  still so much to learn and so much to do. In the process of being a mother don't forget yourself," advice ni Lotlot para sa young moms. —LBG, GMA News