Nagpatulong si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy at mahuli ang nasa likod ng peke umanong topless photo niya na kumakalat sa social media.
"The reason why the NBI will be conducting an investigation is to determine the persons accountable for each posting in the social media. Kahit sinong tamaan niyan, icha-charge namin," sabi ni NBI Deputy Director Vicente de Guzman.
Miss Universe 2018 Catriona Gray, nagpasaklolo sa NBI laban sa kumakalat niyang peke na malaswang larawan sa social media. #SuperBalitaSaHapon pic.twitter.com/KbzxsUwwpb
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 21, 2020
Una rito, sinabi ng abogado ni Catriona na "fake and digitally altered" ang ikinakalat na hubad na larawan ng beauty queen.
"We will likewise take legal action against those involved in the manufacture and publication of said photo," sabi ni Atty. Joji Alonso sa pahayag.
Kinondena ng abogado ang naturang pagpapakalat ng huwad na larawan na ang layunin umano ay sirain ang pangalan ni Catriona.--FRJ, GMA News