Si Alden Richards ang napili ng Department of Health (DOH) para maging ambassador o "BIDA champion" sa kanilang kampanya upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing bilang BIDA champion, paaalalahanan ni Alden ang publiko na sundin ang BIDA acronym.
"Masaya ako to be part of this campaign kasi parang nabibigyang-paalala ang mga tao to lessen the cases of COVID-19 in the Philippines and all over the world. We should really follow strict protocols and 'yun nga, ang BIDA acronym," sabi ni Alden.
Ang ibig sabihin ng BIDA ay "B"awal walang mask, "I"-sanitize mga kamay, "D"umistansya ng isang metro, "A"lamin ang totoong impormasyon."
Mga kababayan, ito na ang tamang panahon! Ipinakikilala na namin sa inyo ang ating BIDA champion! Panoorin ang video sa ibaba upang makilala na siya. ????
— Department of Health (@DOHgovph) July 8, 2020
Together, we can all #BIDASolusyon sa COVID-19!#BeatCOVID19#WeHealAsOne pic.twitter.com/v0SuZqCJqh
Kasabay nito, balik-trabaho na rin si Alden sa pag-ere ng "All-Out Sundays: The Stay Home Party," na live nang mapanonood sa TV at online sa darating na Linggo.
Pero para maging ligtas, kaniya-kaniya munang shoot ang mga artista ng kanilang production numbers.
"This is new for me, I will shoot my own content for All-Out Sundays and for other shows. Ito siguro 'yung pagtingin sa sitwasyon, na may mga bagay kang makabuluhan na puwedeng gawin na at least maka-cope up ka sa nangyayari sa atin ngayon," anang Asia's Multimedia Star.
Bukod dito, pinagkakaabalahan din ni Alden ang online game streaming sa kaniyang spare time.
Dream come true raw ito sa kaniya lalo't matagal na siyang online gamer.
Nagpapamigay pa minsan si Alden sa kaniyang stream ng iba't ibang prizes para sa kaniyang viewers.
"Niyu-utilize ko 'yung paglalaro ko to also earn, so it is a way din of earning. Aside from that 'yung nag-e-enjoy ka na and then you get to make people happy with what you're doing and at the same time ang sarap din ng balik sayo," pahayag ng aktor.--Jamil Santos/FRJ, GMA News