Hindi na naging mapili pa si Rich Asuncion nang tanggapin niya ang trabaho bilang isang waitress sa Australia, lalo at dumadaan ang marami sa pagsubok ngayon sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

"Simulan natin ang post na ito nang masaya. Napakasaya ko ngayong araw dahil natanggap ko na ang una kong sweldo...at sa wakas ay di na ako nalulugmok sa lungkot," paglalahad ni Rich sa Instagram.

Ayon kay Rich, matagal siyang naghanap ng trabaho sa pag-a-adjust niya sa Australia. Marami raw ang opportunities doon basta hindi lang mapili at mas nakalulungkot kung mananatili na lang sa bahay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Long post ahead! ———————————————————— Simulan natin ang post na ito nang masaya. Napakasaya ko ngayong araw dahil natanggap ko na ang una kong sweldo...at sa wakas ay di na ako nalulugmok sa lungkot. Malaking bagay to dahil sa panahon ngayon ang hirap humanap ng dahilan para sumaya. Lalo pa at nag-adjust palang ako dito sa Australia. Tagal ko rin naghanap ng work. Kailangan mo yun dito dahil pag sa bahay ka lang mas lalo kang malulungkot. Marami naman kasing opportunities dito basta di ka lang mapili. So yun na nga, dahil di na ko ako nagpaka-choosy???? sinubukan ko na ang pag wi-waitress. Casual job at a restaurant. Nung una nahirapan ako tanggapin pero narealize ko ngayon, ano naman ang masama dun. Part pa rin naman sya ng Tourism course na kinuha ko sa UP. At wala akong karapatan maginarte kasi nabigyan ako panibagong chance to start anew . My point here is, I know most of us will need to adjust to a new/different life after this pandemic. And that’s not all that bad. To be able to survive through this is already a blessing. As hard as it may seem, look for the silver lining. Hold on and say I am still a champion. Be grateful because some people have lost more than you already have. Sa ngayon ay tanggap ko na at masaya na ko sa bago kong buhay kasama ang aking pamilya. ????Nakapag-enrol na rin ako to continue my studies and last week, I was offered a full-time job at a Daycare where I can work closely with Bela. Life is indeed a journey full of highs and lows but you should never stop moving and you always keep moving forwards. P.S. Ben and I have also just put down a reservation for our future home here in Australia. What a blessing!????

A post shared by Rich Asuncion-Mudie (@richasuncionmudie) on

 

Ikinasal si Rich at ang asawa niyang Fil-Aussie rugby player na si Benjamin Mudie sa Hong Kong noong Mayo 2018.

Isinilang naman ni Rich ang anak nila ni Ben na si Isabella Brie noong Disyembre 2018. —LBG, GMA News