Mas hinahangaan pa raw ngayon ni Mikee Quintos ang kaniyang mga nagiging katrabaho sa production team, matapos niya masubukang mag-taping na mag-isa para sa Mother's Day special ng GMA Telebahay.
"We saw it as an opportunity din na mag-try ng kung anong puwedeng adjustment na gawin para makagawa nga ng bagong content," sabi ni Mikee, na bumida sa unang episode na "Salamat, 'Nay."
"Walang bayad 'yun lahat. As in collective effort 'yun ng buong team para i-try out or 'experimental' siya, that's the term that we use," dagdag pa ni Mikee.
Para sa kanilang taping, Zoom daw ang ginamit kung saan nakikita ng direktor na si Zig Dulay ang recording ng phone na ginagamit ni Mikee para mag-shoot.
"The struggle is, kasi first time naming gawin 'yon and ako lahat. Ako makeup, art [department], ako set design, ako lahat. Like binuhat ko 'yung TV ko at one point para tanggalin siya sa background," anang aktres.
Pagpapatuloy pa ni Mikee, "Wardrobe, ako din nagpili ng damit ko."
Dahil sa mag-isa lang siya na ginawa ang kaniyang mga take, mas na-appreciate raw ni Mikee ang trabaho ng production team.
"Mas na-appreciate ko 'yung work ng bawat isang tao on a normal taping day. Na parang, oo nga, kung isang tao lang ang gumagawa lahat noon, mas tatagal lahat. As in mahirap siya."
Mas nakita raw ni Mikee ang hirap ng mga pagse-setup sa pag-shoot ng isang palabas.
"Akala namin siguro ng mga time na 'yun ang tagal na, ang tagal naman ng next set up, pero dude, as in na-realize ko kung wala 'yung mga taong 'yun, mas matagal pa," sabi niya.
"So mas na-appreciate ko 'yung work ng lahat. Because of that din na-miss ko sila, na-miss ko mag-taping, na-miss ko 'yung mga nakatrabaho ko," ayon pa kay Mikee.--Jamil Santos/FRJ, GMA News