Inihayag ng dating model at aktres na si G. Toengi ang dahilan kung bakit niya iniwan ang showbiz noong kasikatan niya, at piniling manirahan sa Amerika. Natangay naman ng kaniyang emosyon at naiyak ang nag-i-interview sa kaniyang si Vaness del Moral.
Ginawa ni Vaness ang panayam kay G. sa bagong Sa Kapuso online talk show na "Just In."
"That's a hard question Vaness because I didn't understand it 20 years ago when I left. But now that I am older I understand that there were things that just didn't feel right," sagot ni G.
"Ibig sabihin lang nu'n maski sikat ka, may trabaho ka, kumikita ka, 'pag alam mo na hindi 'yon 'yung mga bagay na nagpu-fulfill sa'yo... It wasn't material, it wasn't superficial," dagdag pa niya.
Sabi pa ni G.: "It was I didn't understand the disparity in the Philippines on why ang daming naghihirap tapos ang daming palaging umaalis ng bansa."
Kuwento ni G, nakita niya raw ang paghihirap ng kaniyang ina na itinaguyod sila mag-isa. Pumanaw ang kaniyang ama noong 11- buwang gulang pa lamang siya.
"Even though I was doing well, it broke my heart that the conditions were so harsh. And I don't think things have changed," sabi ni G.
Dahil sa sagot ni G., naging emosyonal at umiyak si Vaness.
"Times are tough in the Philippines, everywhere 'di ba? Naghihirap lahat ng mga tao," sabi ni G.
Paglilinaw naman ni G., hindi rin naging madali ang kaniyang desisyon na iwan ang showbiz.
"It's hard to walk away, Vaness. It's hard to walk away... I did it Vaness but let me tell you though, I gave a lot up. And do I regret it? I won't deny, sometimes I do," sabi niya.
"'Pag iniisip ko 'Ay wala akong bahay na sarili. Wala akong ganito, wala akong ganyan.' Naisip ko rin 'yun, pero 'yun ba ang importante? Ano ba talaga ang importante? It's different for everybody," pahayag pa ni G.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News