Sa isang Instagram post, inihayag ni Ciara Sotto ang pasasalamat na dumating sa kaniyang buhay ang nobyong si Ian Austin.
“Grateful for Ian. I cannot thank the Lord enough for bringing Ian into my life. For me, he’s the sweetest guy ever! I don’t remember being this ‘kilig’ with anyone less but him (excuse the cheese haha!),” saad ni Ciara sa caption ng larawan nila ni Ian at ang anak niyang si Crixus.
Ayon kay Ciara, ipinadadama sa kaniya ni Ian ang pagiging special at itinatratong prinsesa. Nagagawa rin daw siyang pakalmahin ng nobyo sa pamamagitan ng tamang salitang sasabihin.
“He knows when I feel bad, shows how much he cares for me, and helps me out in every way he can even before I ask for it,” saad ni Ciara.
Pinasalamatan din ni Ciara si Ian dahil sa paggabay sa kaniyang anak.
“Thank you for your sweet ways, I wouldn’t have it any other way. Thank you being very loving to Crixus, it makes my heart full seeing him enjoy your company so much! I love you Babe!”
Ayon sa ulat ng PEP.ph, napawalang bisa na noong Marso 2019 ang kasal ni Ciara kay Joe Oconer na sa ama ni Crixus. – FRJ, GMA News